
PUMIKIT, MANGARAP AT MAGLIWANAG
We had no expectations, pikit mata ika nga nila, but you surprised us! And that leap of faith lead us to secure a ticket to start this journey of learning for you.



‘Wag Kang Matakot
Envelope bag — check! Snack bag — check! Water bottle — check!
Mas kinakabahan pa yata kami kaysa sa’yo nung first day of face to face classes.


K-Liryo
Isa ito sa unang gawain mo para sa klase. Sa bahay natin ito ginawa dahil suspendido ang klase dahil sa pag-uulan. Hindi ko din mawari bakit sa gray side ng kartong niresiklo ko prinint ang Liryo, pero doon natin ito ginawa.
Pagkatapos mong makita na nasa puting papel ang gawa ng mga kamag-aral mo, ay nakaramdam ka ng alinlangan. Gusto mong papalitan ng puting papel ang gawa mo. Umiyak ka at sinabihan mo ko na ilipat ko ang lahat sa puting papel.

Sa kabila ng lahat ay natanggap mo rin ang kaibahan ng gawa mo sa lahat. Natutunan mo na hindi porke naiiba ang isang bagay sa lahat ay hindi na ito maganda — na lahat ng mga bagay at tao ay may pagkakapareho at pagkakaiba. It’s actually the contrast that makes what is good and beautiful stand out.
Biyaheng Kindergarten

Marami kang pinagdaanang masasayang alala sa iyong biyahe sa Kindergarten (siguro isusulat ko sa ibang kwento kapag may panahon ;D )











ISKULAY
Isang selebrasyong makulay para sa iyong pagtatapos ng Kindergarten!





This is just the first stop in your journey, but always know that we will always be here to guide, support and love you through the whole ride.

p.s. sinimulan ko itong isulat noong May…
pero ngayon ko lang (pinilit) tinapos (sorry na hehe) 😀
Unang araw mo ngayon sa Grade 1. Yey! 🙂





